Kasama ang engineering team ng Camarines Norte Irrigation Management Office, personal na binisita ng dam at irrigation engineers ng Woodfields Consultants Inc. ang magiging dam site at dadaanan ng irrigation canals para sa proposed Bosigon Irrigation Project sa Barangay Calabasa, Labo, Camarines Norte.
Sa ginawang site inspection sinuri ng grupo ang sitwasyon sa lugar, gayundin ang mga kailangan isaalang-alang sa pagdidisenyo ng gagawing dam at irrigation canals dito bilang bahagi ng detailed engineering phase ng proyekto na layuning masiguro na tama at ligtas ang gagawing plano para sa implementasyon ng proyekto.
Una na ring nagsagawa ng sediment-mapping sa Labo river para pag-aralan ang kalidad ng materyales na pwedeng magamit sa konstruksyon ng irrigation system.
Sa oras na maisakatuparan, mabebenepisyohan ng patubig ang 1, 631 ektarya ng sakahan na magiging malaking tulong sa mahigit kumulang 1,000 rice farmers sa mga bayan ng Labo, Vinzons, at Camarines Norte.
Source: NIA Bicol Region V