Mas palalakasin pa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Bicol ang programang “TESDA sa Barangay” kung saan determinadong palakasin ng ahensya ang paghahatid ng mga serbisyo sa pagsasanay sa mga liblib at malalayong lugar sa rehiyon.
Sinabi ni TESDA Bicol Regional Director Archie Grande, makikipagtulungan ang ahensya sa mga local government units (LGUs) sa rehiyon para sa pagpapatupad ng kanilang mga programa gaya ng pag-aalok ng mga skills training.
Tututukan nitong mahasa ang mga kasanayan ng mga residente ng iba’t-ibang barangay para magkaroon ng pagkakakitaan.
Ang “TESDA sa Barangay” ay isang priority program ni Secretary Suharto Mangudadatu, na may pangunahing layunin na dalhin ang mga serbisyo ng ahensya sa antas ng barangay. (Emman Lumapag)
