Isang Vice Commanding Officer ng Komiteng Larangang Guerilla 1 (KLG1), Sub-Regional Committee 3 (SRC3), Bicol Regional Party Committee (BRPC), na kinilalang si alyas Darwin, ang boluntaryong sumuko sa 22nd Infantry Battalion nitong Martes, Setyembre 3, dala ang isang M14 rifle, dalawang M16A1 rifles, mga bala, magazines, at iba pang kagamitan.
Ayon kay alyas Darwin, napagtanto niyang mali ang kanilang ipinaglalaban, kaya’t nagdesisyon siyang iwan ang kilusan at mamuhay nang mapayapa. Inaasahan siyang makatatanggap ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Pinuri ng 9ID ang kanyang desisyon at muling nanawagan sa iba pang rebelde na sumuko na rin upang mabago ang kanilang mga buhay.
Source: PNP Kasurog Bicol/9th Infantry Division Army