IRIGA: Serbisyong Tapat: PRO 5 Police Officer, Isinauli ang mahigit P12,000 na napulot na Pera

    0
    0

    Muling ipinamalas ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Directo, sa pamamagitan ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO), ang katapatan at integridad sa paglilingkod matapos isauli ni PSSg Reggie Docog ang napulot na perang nagkakahalaga ng mahigit ₱12,000 sa tunay na may-ari nito.

    Ang tapat na pagkilos ni PSSg Docog ay patunay ng diwa ng Alagang KA.SU.ROG—ang paglilingkod nang may malasakit, paggalang, at katapatan, na itinuturing ang bawat mamamayan bilang kapamilya. Ipinapakita nito na ang marangal na paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa pagtupad sa mga operasyong pangkapulisan, kundi maging sa paggawa ng tama sa bawat pagkakataon, gaano man kaliit ang isang gawain.

    Makakaasa ang publiko na mananatiling tapat, may integridad, at may malasakit ang mga kapulisan sa pagtupad sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan at higit pang mapatatag ang ugnayan ng kapulisan at komunidad.

    “Bagong PNP, Para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

    Source: Police Regional Office V

    LEAVE A REPLY