Iriga: Search for 100% Smoke-Free Legazpi

0
2

Nasa ika-walong araw na ang onsite visit at inspection ng Legazpi City Smoke-Free Committee para sa taonang Search for Non-Monetary 100 % Smoke Free Legazpi.

Ayon kay Legazpi City Health Office (LCHO) Chief Dr. Fulbert Gillego, nasa 200 nang establisyemento at opisina ang nabisita nitong Agosto 24. Nasa 600 ang target na mabisita hanggang sa buwan ng Oktobre.

Ani Gillego, nagsagawa rin ang LCHO ng briefing bago ito sinimulan nitong Agosto kasabay ng paggunita ng National Lung Month.

Aniya, layunin ng proyektong ito na makilala at mabigyang parangal ang mga smoke-free compliant establishments sa lungsod kasama na ang mga paaralan, commercial areas at iba pang public and private offices. Bahagi rin ito ng mas pinaigting na kampanya ng LCHO na masiguro ang proteksyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga komunidad lalo na ng mga vulnerable populations.

(Source: PIA-5 Albay)

Leave a Reply