Kasabay ng paglikas ng ating mga kababayan dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region na mayroong sapat na basic necessities—gaya ng suplay ng tubig sa mga evacuation center.
Binisita ni Regional Director Norman S. Laurio ang evacuation center sa Brgy. Buang, Tabaco City upang personal na tingnan ang kalagayan ng mga lumikas at tiyaking sapat ang tubig para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Bukod dito, pinangunahan din ni RD Laurio ang inspeksyon sa pansamantalang kusina at iba pang pasilidad na kailangang idagdag sa evacuation center para sa mas maayos at komportableng pananatili ng mga pamilya.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian at sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking agad at sapat na naipapaabot ang lahat ng pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng sakuna.
Source: DSWD Bicol
