Iriga: Resolusyon kaugnay ng pagbibigay ng employee benefits sa mga kwalipikadong empleyado ng Kapitolyo, aprubado na ng SPA

    0
    9
    photo courtesy of Albay PIO

    Aprupado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) ang resolusyon kaugnay ng pagbibigay ng employee benefits sa mga kwalipikadong empleyado ng Kapitolyo ngayong taon.

    Naipasa na sa isinasagawang sesyon-regular ngayong araw ang PGA-APEO Resolution No. 2024-01 o ang, “A Resolution Granting a One-Time Annual Payment of Collective Negotiation Agreement Incentive (CNAI) for Fiscal Year (FY) 2024”.

    Sa ilalim ng naturang resolusyon, inaasahang matatanggap na ng bawat kwalipikadong opisyal, at Rank-and-File employees ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang kanilang CNAI na nagkakahalaga ng Php 30,000.00.

    Bukod sa naturang insentibo, makakatanggap rin ang mga job-order employees ng salary differential na nagkakahalaga ng Php 75.00 kada araw mula buwan ng Hulyo hanggang Disyembre.

    Ito ay alinsunod naman naipasang resolusyon na may titulong, “Granting a One-Time across the Board Wages Increase in the Daily Wage Rate of Job Order Personnel of the Provincial Government of Albay”.

    Inaasahang matanggap rin ng mga ito ang anniversary bonus na nagkakahalaga ng Php 3,000.00.

    Ayon kay 1st District Board Member Victor V. Ziga Jr., ang naturang mga insentibo ay nakatakdang matanggap ng kwalipikadong mga empleyado bago ang araw ng kapaskuhan bilang kompensasyon para sa kanilang naging serbisyo sa lalawigan.

    (Source: Albay PIO)

    Leave a Reply