Bilang pagkilala sa patuloy na dedikasyon at aktibong pakikilahok ng mga miyembro, namahagi ang Poblacion Unified Fisherfolk Association (PUFA) ng tiglilimang kilo ng bigas sa labingpitong kasapi nito noong Enero 8, 2026 sa Castilla. Ang mga ipinamahaging bigas ay binili mula sa ipon ng samahan na nakadeposito sa Rural Bank, patunay ng maingat at responsableng pamamahala ng PUFA sa kanilang pondo. Layunin ng aktibidad na pasalamatan ang kanilang mahalagang ambag sa pagpapanatili at pagpapalago ng produksiyon ng mga value-added na produktong pangisdaan.
Source: BFAR Bikol
