Iriga: Preparasyon para sa mapayapang fluvial procession ng Peñafrancia Festival, nakalatag na

0
5

Target ng Joint Operations Center para sa Peñafrancia Festival 2023 ang zero-incident record para sa nalalapit na fluvial procession o ang paglipat sa imahe ni Inang Peñafrancia at Divino Rostro sa Basilica Minore mula sa Metropolitan Cathedral Church sa Bicol River, sa Sabado, September 16.

Sa isang press briefing, sinabi ni Philippine Coast Guard Cam Sur chief of staff Raynaldo Aringo, Jr. na 200 katao lamang ang dapat lulan ng pagoda. Sasabayan ito ng 25 floating assets ng mga responding units at higit sa 140 mananagwan na rehistrado ng PCG. Kinakailangan ding magsuot ng life jackets ang mga ito sa oras ng prusisyon.

Dagdag pa ni Aringo, may nakastandby ding mga bangka sa bawat tulay sa Naga River na magtuturo ng ruta ng prusisyon.

(Source: PIA Camarines Sur)

Leave a Reply