Ibinida ng mga kawani ng pamahalaan sa rehiyon ng Bicol ang kanilang angking galing sa kauna-unahang Painting Contest ng Civil Service Commission Region V na batay sa temang “Public service in the next decade.”
”Ang objective ta po kaini, since this is part of the 123rd Philippine Civil Service Anniversary, gusto ta man na i-showcase ang talents kang Bicolano civil servants bako lang sa pagtao ning serbisyo publiko kundi mapailing man ang saindang talent sa pagpinta,” pahayag ni CSC Bicol Regional Director Atty. Daisy Punzalan Bragais sa isinagawang awarding ceremony sa SM City City Legazpi nitong Septyembre 21.
Ang Top three winners ay tumanggap ng cash prize na P10,000, P7,000 at 5,000.
Regional winners
Itinanghal na grand winner si Noel R. Villanueva, guro mula sa Catanduanes National High School, para sa kanyang obrang “Kape.”
Ani Villanueva, isinasalamin ng kaniyang obra ang mas pagpapahusay ng trabaho at sapat na oras sa kanilang personal na buhay sa tulong ng modernong teknolohiya.
”So makikita niyo naman, relax na relax ang teacher diba, pagdating ng bahay hindi siya pagod, so family ang kaniyang inaasikaso, pati rin ang kape, nag-kape siya pagkatapos ng kaniyang trabaho,” saad ni Villanueva.
‘The Last Paper’ naman ni Princess Ezra G. Carullo ng Tabaco Water Disctrict sa Albay ang itinanghal na 1st runner up.
”Ipinapakita dito na in the future, hindi na kailangan ng papel sa opisina o paperless na dahil sa teknolohiya. Kumbaga ang budget na ilalaan para sa pagbili ng ilang mga supplies ay idagdag na lang sa mga proyekto at programa ng ahensya,” ani Carullo.
Ang obrang ‘Para sa Bayan’ ni Atty. John Eric C. Tizon, chief legal officer ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau ang napiling 3rd runner-up.
”It’s actually my vision of what public service should be and idea about good governance. Ang message ko doon sa aking painting is magkakaiba man ang ating henerasyon, paniniwala at prinsipyo at katayuan sa buhay, I think lahat naman tayo ay naghahangad ng isang maunlad, mapayapa, at nagkakaisang lipunan,” saad ni Tizon.
(Source: PIA Albay)
