Inaasahan na ang malaking tulong sa pag lago ng ekonomiya ng Albay ang nalalapit na pagsisimula ng operasyon ng Pantao Port sa bayan ng Libon.
Partikular na makikinabang rito ang mga coastal barangays malapit sa nasabing pantalan.
Ayon kay Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) Arnold Onrubia, ang Pantao Port ay kabilang sa regional port facility kung saan accessible ang isla ng Masbate, Visayas, at Mindanao.
Aniya, malaking revenue ang maaring dalhin nito sa mga kalapit na barangay ng nasabing pantalan.
“This is a good opportunity kasi additional revenue ito sa Provincial Government of Albay and it will bring development in the west coast,” saad ni Onrubia.
Dagdag pa ng opisyal, isa sa mga tinitingnan nilang posibleng economic venture ay ang pagtatayo ng cold storage facility, at iba pa.
Source: Albay PIO