32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Iriga: Pagiging bakunado ng mga bata vs Covid-19, hindi requirement sa partisipasyon nila sa F2F Classes

- Advertisement -

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi mandatory ang pagiging bakunado ng mga bata laban sa COVID-19, upang maging bahagi ang mga ito ng progressive expansion ng face to face (F2F) classes, ngayong 39 na lugar na sa bansa ang ibinaba sa Alert Level 1.

 

Ito ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ay dahil nananatili pa ring desisyon ng mga magulang kung pababakunahan ang kanilang mga anak o hindi.

 

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng kalihim na idinulog rin nila ang usaping ito sa Department of Health (DOH).

 

Alam naman aniya ng lahat na mataas ang level of resistance ng mga kabataan sa COVID-19. Gayunpaman, hinihikayat pa rin aniya ng pamahalaan ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak.

“Sa mga bata we are encouraging it kasi sa ating pilot, with more than 15,000 students involved in the pilot nakita natin ni isa walang natamaan ng COVID na binabantayan natin ng husto.” —Secretary Briones.

Kaugnay nito, tiniyak ni Secretary Briones na sila naman sa DepEd, mga guro at iba pang personnel na magiging bahagi ng face to face classes ay nagpabakuna na laban sa COVID-19.

“Iyong hindi nagpapa-vaccine kung pupunta sila ng schools mag-submit ng mga report or etc. or they work at home, kailangan. Kagaya ngayon pupunta sa government office, kailangan magpa-RT-PCR ka o kung hindi, sa Manila iyong Antigen to be able to go into the premises. Iyon ang mandatory namin para sa mga teachers at mga staff.” —Secretary Briones.

Source: Bicol News

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -