Iriga: P20 Benteng Bigas Meron Na para sa mga Senior Citizens

    0
    0

    Opisyal nang sinimulan ngayong ika-20 ng Abril 2026 ang paglipat ng redemption outlet ng programang P20 Benteng Bigas Meron Na para sa mga senior citizens sa Embarcadero de Legazpi.

    Matatandaang ang naturang outlet ay dating matatagpuan sa compound ng National Food Authority sa Legazpi City. Gayunpaman, bilang tugon sa pangangailangang mapabuti ang seguridad, kaayusan at higit sa lahat ang kaginhawaan ng mga benepisyaryong senior citizens, isinagawa ang relokasyon sa pakikipagtulungan ng City Government of Legazpi.

    Magpapatuloy ang operasyon ng outlet tuwing Lunes ng bawat linggo upang patuloy na makapaghatid ng abot-kayang bigas sa mga nakatatanda.

    Source: NFA Bicol

    Leave a Reply