Iriga: P170k Na Halaga Ng Shabu Nasamsam Sa Panibagong Operasyon Ng PDEA Sa Naga City

0
333

Naga City – Naka-iskor muli ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- Camarines Sur katuwang ang PNP sa umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Naga City.

Sa ikinasang operasyon, kumagat sa pain ng PDEA ang target na si Angelo Garry Camu y Garay, 38-anyos residente ng Sitio Paraiso, Sta. Cruz parehong lungsod.

Hindi naging madali ang pag-aresto dahil sa emosyon nito at nang pamilya, itinanggi nitong kanya ang item subalit sinabi niyang kinasuhan na siya dati dahil sa ipinagbabawal na gamot, sa katunayan sinilbihan ng search warrant ng PNP ngayong buwan at nakapagpiyansa.

Si Camu ay Target Listed Drug Personality ayon pa sa PDEA.

Nakumpiska rito ang 25-gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱ 170,000.00.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Section 5 Article II RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: BNFM Bicol | Bicol News)

Leave a Reply