31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Iriga: Nagmamakaawa ang apat na kalalakihan matapos madakma ng kapulisan sa illegal na pasugalan

- Advertisement -

Arestado ang apat na kalalakihan matapos na salakayin ng pulisya ang isang illegal na pasugalan sa zona 5, Barangay Casuray, Magarao, Camarines Sur.

Visit RPN DZKI Iriga

Nangyari ang operasyon dakong alas 11:30 ng Gabi. Kinilala ang mga nadakip na sina Ivan Civico Borela,26 taong gulang, Florentino Wamerga Riola, 59 yrs. old, Jessie Bernas Estonido, 41 yrs. old at Ruben Rubio Jr. nasa tamang edad.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang taya na umabot sa ₱ 2,288.00, mga baraha at iba pang gamit sa pagsusugal na gagamiting ebidensya laban sa mga suspek.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang mga ito. Samantala, patuloy naman na nag papaalala ang Magarao MPS sa kanilang mga nasasakupang residente na huwag sasangkot sa ganitong mga illegal sa Gawain. (Joey H. Lim)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -