Iriga: Mga stranded passengers sa mga pantalan sa Bicol, naka byahe na

0
17
photo courtesy of Albay PIO

Matapos ang ilang araw na pagka-antala ng mga biyahe ng alinmang sasakyang pandagat, tuluyan nang nakaalis ang libo-libong mga stranded passengers sa mga pantalan sa Bicol.

Sa latest update ng Coast Guard District Bicol (CGDBCL) alas-4 ng hapon kahapon, ika-25 ng Oktubre, wala nang naitalang mga naiwan na pasahero sa mga pantalan.

Nakapag byahe na rin ang mga cargoes at vessels sa iba’t-ibang ports ng rehiyon.

Ang naturang zero record ay naitala kasunod ng inilabas na Sea Travel Advisory ng iba’t-ibang Coast Guard stations sa Bicol na pinapayagan na maglayag ang mga sasakyang pandagat.

Matatandaang sa huling pagtataya ng CGDBCL kaninang alas-4 ng umaga ay lumobo na sa 4,247 ang kabuuang bilang ng mga stranded passengers, habang 902 rolling cargoes at walong vessels naman ang natengga sa mga pantalan.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply