ππ π π€πππππππ§π π§ππ π°ππ π’ π¬π ππππ π¨π§π₯π’π§π ππ¨π§πππ¬ππ¬ π©π’π§ππ«ππ§π ππ₯ππ§ π§π ππ ππ’ππ¨π₯SAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR β Bilang highlight ng National Rice Awareness Month (NRAM), nagsagawa ng Run for Rice at paggawad ng parangal para sa regional winners ng NRAM online contests ang Department of Agriculture (DA) RFO 5 sa DA Bicol compound nitong ika-14 ng Nobyembre.
Mahigit 400 na empleyado ng kagawaran at mga delegado mula sa mga bureaus at attached agencies ng DA Bicol ang lumahok sa fun run at awarding ceremony.
May temang π©π πΉπππππππππππ π¬πππππ ππ!, tatlong mensahe ang nais iparating ng NRAM sa publiko: A – Avoid rice wastage; B- Buy local rice at C – Choose healthier rice.
Layunin ng NRAM na mapalakas ang kita ng mga magsasaka, mapabuti ang kalusugan ng bawat Pilipino at makatulong na maging sapat ang bigas sa bansa.
Pinangunahan ni Earl Vincent Vegas, Chief ng Field Operations Division ang Rice Program focal person ang pagbibigay ng parangal sa mga regional winners ng NRAM online contest.
Sina Owen Axel Cruel at Albert Von Eric Reyes ang tinanghal na regional winner sa BeRiceponsible Childrenβs Story Book contest at sila ay tumanggap ng P10,000 cash award
Si Elizabeth Mago ng Naga City ang tinanghal na regional winner sa BeRiceponsible Sticker Design category at siya ay tumanggap ng P5,000 cash award.
Sina Kim Pearl S. Arias at Kristyl Anne A. Monterde naman ang regional winners sa dalawang kategorya ng Photo Essay contest at sila ay tumanggap ng P5,000 cash award.
Habang si John Jovit Rebedin ang regional winner sa Mascot Design contest at tumanggap din siya ng P5,000 cash award. Lahat ng sumali sa apat na online contests ay tumanggap din ng P1,000 hanggang P5,000 na consolation prizes.
Source: DA Bicol
