Iriga: Mayon trekking, nananatiling bawal dahil sa naitatalang aktibidad ng bulkan, posibilidad ng pagdaloy ng lahar

0
11
photo courtesy of Albay PIO

Legazpi City – Patuloy pa ring ipinagbabawal sa publiko ang summit trekking o ang pag-akyat malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon dahil sa naitatalang mga aktibidad nito.

Ayon kay Albay Tourism Officer Dorothy F. Colle, ang pagbisita lamang sa Mayon Skyline Viewdeck na matatagpuan sa lungsod ng Tabaco, at ang Mayon SkyDrive ATV Adventure sa bayan naman ng Daraga, ang maaaring gawing mga aktibidad sa kasalukuyan.

“As to Mayon activities, prohibited ang Mayon trek to summit, yung ATV allowed tyaka yung pagpunta sa Skyline,” saad ni Colle.

Sa opisyal namang ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), patuloy pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6 km radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa naitatalang rockfall events.

Bukod pa rito, nakitaan rin ng mahinang banaag o crater glow, katamtamang pagsingaw, at ground deformation o panandaliang pamamaga ang bulkan.

Bunsod nito, hindi pa rin inaalis ng ahensya ang posibilidad ng phreatic explosions, gayundin ang pagdaloy ng lahar lalo na kung magkakaroon ng matinding pag-ulan.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang Bulkang Mayon.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply