Iriga: Magayon Festival 2026, kanselado- Gob Rosal

    0
    12

    Kinumpirma ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal ang kanselasyon ng selebrasyon ng Magayon Festival ngayong taon.

    Ayon sa gobernador ito ay dahil sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan sa pagitan ng Estados Unidos at Israeli military action laban sa Iran at sa mga kaalyadong bansa nito.

    Ani Rosal, ang nasabing sitwasyon ay patuloy na nakakaapekto sa lokal na ekonomiya ng lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas presyo ng langis na posibleng maging dahilan rin ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

    Bukod pa rito, binanggit rin ng opisyal ang patuloy na pagiging aktibo ng Bulkang Mayon na kasalukuyang nagpapahirap sa sitwasyon ng mga residente sa mga evacuation centers at temporary shelters.

    Bunsod ng nasabing mga konsiderasyon, minabuti aniyang ipagpaliban muna ang selebrasyon ng Magayon Festival.

    Tiniyak naman ng gobernador na ang pondong nagkakahalaga ng mahigit Php 20 milyon para sa Magayon ay gagamitin na lamang sa mas mahahalagang proyekto o programa ng Pamahalaang Lokal na direktang magbe-benipisyo sa mga Albayano.

    “I would like to assure the Albayanos that yung pondo na over Php 20 million ay gagamitin na lamang natin sa programs and projects na directly magbe-benefit sa mga Albayano,” ani Rosal.

    Sa kabila nito ay magpapatuloy pa rin aniya ang kanilang cultural at tourism promotions.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply