Iriga: Magandang balita ang naihatid ng Camarines Sur 1st PMFC/PNP RC SP-CUAO sa pamumuno ni PCPT Ric Rueda Reginales ang basic services sa mga mamamayan ng Camaligan

0
1
1st PMFC/PNP RCSP - CUAO event

Sa nasabi ngang programa na ginagabayan ni PCol. Julius Caesar M. Domingo, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office at PLtCol. Pobleo Mariano P. Magistrado V, kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DILG Officer, Mrs. Marites Caceres, Camaligan MPS, PMaj. Louie Ordoñes, 91st CMO, CPT Ronald A. Ardales, Pastor Alexander Sachez ng Jesus Global Ministry, LGU Camaligan na pinamumunuan ni Municipal Mayor Diano SJ Ibardaloza Jr., SB Members, San Roque Camaligan Camarines Sur at iba pang barangay, na patuloy na sumusuporta sa mas pinalakas na E.O. 70 para maihatid ang basic services na kailangan ng ating mamayan.

Sa aming inilunsad na Programa, “TESDA Abot Lahat” na may temang, “Lamang ang may Alam, Determinasyon, Dedikasyon at Disiplina ang kailangan patungo sa pag asenso ng Bawat Pilipino” na kung saan huhubugin ang husay at galing ng ating mga Kabataan, Kababaihan at transport sectors sa pagbubukas ng 5 days training, Food Processing, at Haircutting and Hair Coloring ngayong Enero 23 – 27, 2023.

Layunin ng RCSP-CUAO na matulungan na mai-angat ang antas ng bawat Pamilyang Pilipino tungo sa isang mapayapa, maunlad at nagkakaisang samabayanang Pilipino.

(Jv Navarro Verdeflor Jr. via LGU Camaligan, photo credits to the owner)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here