35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: Lalaking tulak ng illegal na droga, arestado sa buy-bust operation sa Nabua, CamSur

- Advertisement -

Arestado ang isang lalaki na tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang operatiba ng Cam Sur PNP at Philippine Army sa Zone 4, Barangay Sta. Lucia, Nabua, Camarines Sur nito lamang Hunyo 4, 2023.

Kinilala ni PLTCOL Jan King S. Calipay, Hepe ng Nabua MPS ang suspek na isang 24 anyos na lalaki, may kinakasama at residente ng Barangay San Nicolas, Nabua, Camarines Sur.

Ayon kay PLTCOL Calipay, bandang 5:30 ng umaga ng maaresto ang suspek ng pinagsanib na mga operatiba ng Nabua MPS, Camarines Sur Provincial Intelligence Unit at 93CIP 9MIB 9ID PA sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-Camarines Sur Provincial Office.

Ang nasabing suspek ay nabilhan ng isang (1) plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang ginamit na buy-bust money na nagkakahalaga ng Php500. Sa isinagawang body search ay nakuha pa dito ang tatlong (3) pakete ng pinaniniwalaan din na shabu.

Sa kasalukuyan ay nasa kustosiya ng Nabua MPS ang suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang tagumpay ng CamSur PNP sa pagsugpo ng ilegal na droga ay bunga ng pinaigting na kampanya laban dito upang mahuli ang mga taong nagpapakalat at gumagamit nito para mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Nabua MPS Csppo, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -