Pormal nang nagsimula ang operasyon ng mga Lakbay Katrangkiluhan Posts sa bawat munisipalidad at lungsod sa buong lalawigan ng Sorsogon bilang bahagi ng paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan para sa paggunita ng Undas 2026.
Nakatutok sa mga motorist assistance desk na ito ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army, Provincial, City at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), at iba pang uniformed personnel upang magbigay ng agarang tulong at asistensya sa mga motorista at biyahero.
Layunin ng inisyatibang ito na matiyak ang kaligtasan ng publiko, mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan, at makapagbigay ng mabilis na responde sa anumang insidente o pangangailangan ng mga bumibiyahe ngayong Undas.
Sa pamamagitan ng kooperasyon at pagtutulungan ng mga ahensiya, isinusulong ng Kapitolyo na maging ligtas, maayos at panatag ang paglalakbay para sa bawat Sorsoganon at bisita ng lalawigan.
Source: Sorsogon PIO
