Sunday, April 28, 2024

Iriga: Lagpas 1k police personnel, nai-deploy na sa mga simbahan sa Bicol ngayong Semana Santa

- Advertisement -

Sa layuning maging ligtas ang mga Bicolanos ngayong Semana Santa, nag-deploy na ang Philippine National Police sa Bicol ng 1,028 police personnel sa iba’t ibang simbahan sa rehiyon simula nitong Marso 24.

Sa panayam kay PBGEN Andre Dizon, Regional Director ng PNP Bicol, sinabi nito na asahan na ang pagdagsa ng mga taong pupunta sa simbahan kaya nakahanda na rin ang kanilang komandansya upang magbigay ng seguridad sa mga bicolanong deboto.

Kaugnay nito, magsasagawa na rin sila ng mga checkpoint sa mga kalsada sa rehiyon upang masiguro na ligtas ang mga byahero na pupunta sa mga pasyalan kasabay na rin ng pagsisimula ng summer season.

Katuwang ng PNP ang mga Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Office na nakalatag sa mga Motorist Assistance Center.

Sinabi pa ni Dizon na humingi na rin sila ng tulong mula sa Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard.

Mensage ni Dizon sa mga byahero, kahit na sa malayong lugar ay pwede silang makontak kung merong emerhensya dahil nakalagay na rin sa mga social media accounts ang emergency numbers na pwedeng tawagan kung kinakailangan. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -