Iriga: Kaso ng sakit na TB sa Bicol umabot sa lagpas 32k noong 2023

0
11
(Photo courtesy of DOH Bicol CHD)

Sa kabila ng kaliwa’t kanang kampanya ng gobyerno kontra sa sakit na tuberculosis, pumalo sa 32,412 ang nairehistrong nagpositibo sa nasabing sakit sa Bicol region noong taon 2023.

Sa datus na inilabas ng Department of Health (DOH) Bicol, sa nasabing numero, naitala ang pinakamataas na nagpositibo sa sakit na TB sa probinsya ng Camarines Sur, sinundan ng Albay habang Catanduanes naman ang may pinakamababang kaso ng nakahahawang sakit.

Nakapagtala rin ang ahensya ng mga binawian ng buhay mula sa nasabing sakit.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang kampanya ng ahensya kontra sa sakit na TB at ang pagsasagawa ng screening sa mga taong nakikitaan ng sintomas para agad mabigyan ng atensyon medikal.

(Source: DOH Bicol CHD)

Leave a Reply