29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Iriga: Iba’t ibang uri ng armas at mga bala, nasamsam sa engkwentro ng sundalo at mga rebelde sa Masbate

- Advertisement -

Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga umano’y rebelde sa pagitan ng bayan ng Baleno at Aroroy, Masbate nitong Enero 9, 2023.

Ayon sa ulat, nagresponde ang mga sundalo matapos makatanggap ng sumbong ukol sa tangkang pangingikil at pananakot ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Dahil dito, nasamsam ng awtoridad ang iba’t ibang uri ng armas, mga bala at mga dokumento.

Pagtitiyak ng awtoridad, patuloy ang kanilang hakbang sa pagpuksa ng mga rebelde sa lugar.

Hinihikayat din nitong nawa’y magbalik loob na sa gobyerno at yakapin na ang mapayapang buhay upang makapiling na nila ang kanilang mga pamilya.

Sa mga residente naman ng lugar, kung may nalalamang impormasyon tungkol sa mga umano’y rebelde ay huwag mag-alinlangang magsumbong sa kanilang tanggapan upang makatulong sa pagpuksa ng mga ito at manaig na ang kapayapaan sa lugar. (JV Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: 9th ID)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -