Iriga: F2F classes, muling sinuspinde sa Albay dahil sa transport strike at high heat index

0
11
photo courtesy of Albay PIO

Legazpi City – Muling nagpalabas ng kautusan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na suspendihin an face-to-face classes ngayong araw hanggang sa araw ng Martes (April 29-30, 2024) dahil sa inaasahan na mataas na heat index at posibleng epekto ng dalawang araw na nationwide transport strike.

Base sa PDRRMC-APSEMO advisory 07-2024, inaatasan ang lahat ng academic institution na magpatupad ng asynchronous classes at distance learning modalities sa nasabing mga araw.

Inaabisuhan rin ang publiko na manatili sa loob ng kanilang mga bahay kung wala namang mahalagang pupuntahan, manatiling hydrated at obserbahan ang heat index warnings.

Kinakailangan rin na manatiling naka-alerto ang City at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (C/MDRRMOs) para sa anumang heat-related incidents.

(Source: MLQuising, Albay PIO)

Leave a Reply