Details: Pormal nang nai-turnover ng DOH Bicol CHD ang mahigit Php1.7 milyong halaga ng health commodities sa Catanduanes Provincial Health Office nitong Nobyembre 13, 2025 na layuning tugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Uwan.
Pinangunahan ni OIC Regional Director Dr. Rosa Maria Rempillo ang pamamahagi ng tulong na personal na tinanggap ni Catanduanes Provincial Administrator, Atty. Evelyn Gutierrez, kasama si Catanduanes Provincial DOH Officer Dr. Robert John Aquino.
Kabilang sa mga naturang commodities ay hygiene kits, water containers, breastfeeding kits, water purification tablets, insecticide nets at screens, at mga gamot.
Source: PIA Bicol Region
