Iriga: Dekalidad na edukasyon sa gitna ng mga sakuna, isinusulong ng DepEd

0
12

Mandato ng DRRMS na panatilihin ang kaligtasan sa lahat ng antas ng mga mag-aaral gayundin ang siguraduhin ang patuloy na pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa kasagsagan man ng mga sakuna.

Ito ang mariing pahayag ni Department of Education Disaster Risk Reduction Management Service (DRRMS) Officer-in-Charge Orlando B. Barachina, sa pagbubukas ng 2023 National Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Midyear Evaluation and Planning Conference na ginanap sa Legazpi City Convention Center.

Tinukoy rin niya ang apat na pangunahing programa na bibigyang-tuon sa ilalim ng DRRMS.

Sa kabuuan, ang nabanggit na pagpupulong ay nakatuon sa layuning pag-usapan ang mga plano, magbahagi ng mga kasanayan, at dinggin ang iba’t ibang usapin ukol sa pagpapalakas ng DepEd sa larangan ng DRRM. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: DepEd Region V-Bicol, photo credits to the owner)

Leave a Reply