30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: COVID-19 death toll sa Bicol, mahigit 2,200 na

- Advertisement -

Sumampa na sa 2,274 ang COVID-19 death toll sa Bicol region batay sa pinakahuling tala ng Department of Health.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa naturang bilang, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang may pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa naturang sakit na umabot na sa 553.

Sinusundan ito ng Albay na may 485; sumunod ang Sorsogon na may 474; may 246 ang Camarines Norte; 224 sa Naga City; 116 sa Catanduanes; ang Legazpi City ay may 97 habang 74 naman ang death toll sa lalawigan ng Masbate.

Bunsod nito, sumampa na rin sa 3.85% ang case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol mula nang maitala ang pinakaunang infection ng sakit sa rehiyon noong March 2020.

(Source: Bicol News & Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -