Saturday, May 4, 2024

Iriga: Coast Guard District Bicol nagsagawa ng oil spill contigency plan seminar sa kanilang mga personahes

- Advertisement -

Nagsagawa ng Oil Spill Contigency Plan Seminar ang Coast Guard District Bicol sa kanilang mga personahes mula sa iba’t-ibang tanggapan sa rehiyon nitong nakalipas na linggo.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jeffrey Collado, Deputy Commander ng Coast Guard District Bicol.

Tinalakay sa naturang seminar ang mga paksa tungkol sa National Oil Spill Contigency Plan of 2019 na naglalaman ng mga panuntunan upang i-rationalize ang kaukulang mekanismo sa pagresponde para sa pagkontrol, reduction at recovery ng oil spills sa area of responsibility ng Coast Guard District Bicol.

Samantala, inihayag naman ng mga partisipante na sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay muling naipaalala sa kanilang mga impormasyon at kaalaman sa oil spill incident management na mahalaga bilang preventive measure sa hinaharap.

(Source: Coast Guard District Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img