Iriga: City-Vet patuloy ang mga hakbangin matapos ang Outbreak ng Bird Flu sa Camarines Sur

0
121

Iriga City – Kinumpirma ni Dr. Alexander Destura ng Sorsogon City Veterinary Office na kanila na ring inalerto ang mga assigned Veterinary Technicians sa mga distrito sa lungsod.

Visit RPN DZKI Iriga

Ito’y matapos na kumpirmahin nga ng Regional Veterinary Qurantine Office ang Avian Influenza outbreak sa dalawang mga bayan sa Camarines Sur.

Ayon sa opisyal, sa katunayan ay patuloy ang kanilang surveilance at monitoring kaugnay sa lagay ng mga poultry products sa mga barangay sa lungsod.

Hakbang umano ito upang kanila agad na matukoy kung nakapasok na nga sa syudad ang nasabing virus upang kaagad itong maagapan at nang hindi na kumalat pa.

Bilang paghahanda pa rin, sinabi ng opisyal na nakatakda silang mamahagi sa mga magsasaka ng mga reading materials kaugnay sa nasabing virus, mga dis-infectant, mga powdered vitamins at antibiotic. Ang bird flu ay isang highly contagious viral disease kung saan ang tinatamaan nito ay mga domestic poultry animals gayundin ang mga wild birds at posibleng carrier nito ang mga migratory birds.

(Source: Bicol Overview)

Leave a Reply