Iriga: Bulkang Mayon, nakapagtala ng panibagong rockfall event

0
7

Nakapagtala ang Bulkang Mayon ng isang (1) rockfall event o ang pagguho ng mga bato mula sa crater nito.

Ayon pa sa ulat ng PHIVOLCS, nakapaglabas ng nasa 598 tonelada kada araw ng sulfur dioxide nitong nakalipas na Agosto 20.

Mayroong katamtamang singaw, at napapadpad ito sa silangang-hilagang-silangan, at hilagang-silangan.

Samantala, kahapon Agosto 26, nakapagtala ng isang phreatic eruption na umabot ng isang minuto ang haba, at isang volcanic quake.

Nananatili namang nasa Alert Level 1 ang bulkan at patuloy ang pagmanman ng mga eksperto sa (galaw) at pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa anumang banta dulot ng aktibidad ng bulkan.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply