Iriga: Bulkang Mayon, muling itinaas sa Alert Level 3 matapos ang moderately explosive eruption

    0
    3

    Muling itinaas sa Alert Level 3 ang status ng Bulkang Mayon matapos ang isang moderately explosive eruption bandang alas-11:53 ng umaga ngayong Biyernes, Oktubre 30.

    Ayon sa ulat, nagbuga ang bulkan ng abo na mabilis na umakyat hanggang tatlong kilometro mula sa bunganga nito kasunod ng nasabing pag-alburoto.

    Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso at panuntunang ipinalalabas ng mga awtoridad para sa kaligtasan ng mga komunidad na maaaring maapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

    Source: Albay PIO

    LEAVE A REPLY