Iriga: Bilang ng enrollees sa Rehiyon Bicol para sa SY 2022-2023 umabot na sa mahigit pitong raang libo – ayon sa DEPED ROV

0
1

Inihayag ng Department of Education (DepEd) Bicol na umabot na sa pitong raan at tatlong libo tatlong raan tatlumpu (703,330) ang bilang ng mga enrolees sa buong rehiyon para sa taong panuruan 2022-2023.

Visit RPN DZKI Iriga

Batay sa pinakahuling tala ng ahensya, sa naturang bilang, apatnaput apat na libo pitong raan animnaput siyam (44,769) ang kinder; tatlong raan labing isang libo isang raan labing dalawa (311,112) ang Elementary; dalawang raan dalawamput siyam na libo apat na raan animnaput tatlo (229,463) na enrolees para sa Junior High School; isang raan labing anim na libo pitong raan animnaput isa (116,761) sa Senior High School; at isang libo dalawang raan dalawamput lima (11,668) ang non-graded learners.

Ang mga enrolees ay kinabibilangan ng anim na raan apatnaput limang libo limang raan pitumput isang (645,571) mga estudyante mula sa pampublikong paaralan; limamput pitong libo at isa (57,001) ang mula sa pribadong eskwelahan; habang pitong raan limamput walo (758) naman sa SUC at LUC.

(Source: DepEd Region V – Bicol)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here