Nagpatupad na ng suspensyon ng mga pasok sa klase at opisina ang Bicol University (BU) bilang paghahanda sa posibleng maging banta ni Bagyong Pepito sa Bicol region.
Ang kautusang ito na nakapaloob sa Office Memorandum No. 336, s. of 2024 na inisyu ng (BU) epektibo mula alas-12 ng hapon ngayong araw ay batay sa rekomendasyon ng University Disaster Risk Reduction Management Committee.
Kanselado na ang klase sa lahat ng antas maging ang trabaho sa mga opisina ng naturang pamantasan para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at empleyado.
Nakapalaman din sa nasabing kautusan na kanselado na rin ang lahat ng University activities na nakatakda sanang isagawa ngayon hanggang ika-17 ng Nobyembre.
Inaabisuhan naman ang mga estudyante na kasalukuyan pang nasa kanilang nga boarding house na umuwi na muna sa kanilang mga pamilya para makapaghanda sa anumang pinsala na dala ng naturang sama ng panahon.
Source: Albay PIO
