Iriga: Barangay Peacekeeping Action Team Enhancement Training pinangunahan ng Castilla MPS

    0
    46

    Nagsagawa ng Skills Enhancement Training ang mga personahe ng Catilla Municipal Police Station sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Maracabac, Castilla, Sorsogon nito lamang ika-1 ng Agosto 2023.

    Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Castilla MPS, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ DIVINO JOHN B PELEA, Officer-in-Charge, Castilla MPS.

    Tinalakay sa mga miyembro ng BPATs ang tamang pamamaraan patungkol sa Handcuffing at Arresting Techniques.

    Layunin ng naturang aktibidad na makapagbigay ng karagdagang kaalaman at linangin ang kakayahan ng BPATs members bilang Force Multiplier ng PNP na katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupang lugar.

    Patuloy ang Castilla MPS sa pagsasagawa ng mga ganitong pagsasanay upang maging kaisa ang Pambansang Pulisya, sa pagsugpo ng anumang uri ng kriminalidad alinsunod sa mandato ng Hepe ng Pambansang Pulisya. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

    (Source: Castilla MPS Sorsogon Ppo, photos courtesy of PCADG Bicol Region Facebook page)

    Leave a Reply