Iriga: Apat (4) katao, huli sa kasong paglabag sa PD 449

0
14

Apat na lalaki ang hindi na nakatakas pa matapos silang mahuli ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon laban sa iligal na pagsasabong.

Sa pinaigting na operasyon ng Nabua Municipal Police Station kontra iligal na pagsasabong, naaktuhan ng mga operatiba ng nasabing istasyon sa pangangasiwa ni PLTCOL PAUL DE MESA CABUG, COP, ang apat na kalalakihang nagsasagawa ng iligal na pagsasabong o “tupada” dakong alas-11:55 ng tanghali, January 31, 2023 sa Brgy. La Opinion.

Lahat ng mga arestado ay kinilalang residente ng nasabing barangay. Nakuha mula sa kanila ang isang (1) pirasong tari, dalawang (2) patay na panabong na manok, ang bet money na nagkakahalaga ng pitong libo limampung piso (Php7,050.00), at ang notebook na ginagamit bilang listahan ng mga pusta.

Ang nasabing mga arestado ay agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ng Nabua MPS para sa kaukulang disposisyon at kakaharapin nila ang kasong paglabag sa PD 449 (ILLEGAL COCKFIGHTING).”

Ang matagumpay na pagkakahuli sa nasabing suspek ay isang patunay na ginagampanan ng kapulisan ng Nabua ang kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang buong sambayanan laban sa mga krimen, lalong-lalo na ang paglaganap ng ilegal na sugal na siyang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng mga krimen sa ating bayan. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via MPS Nabua Cam. Sur)

Leave a Reply