Iriga: Agri, pest management training, isinagawa ng APAO, De La salle University

    0
    0

    Mas pinatibay pa ng Pamahalaang Lokal ng Albay, sa pamamagitan ng Albay Provincial Agricultural Office (APAO), ang mga inisyatiba sa agham at teknolohiya sa pagsasaka matapos ang isang agricultural training at pest management activity.

    Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Officer-in-Charge Provincial Agriculturist Daryl John O. Buenconsejo, kasama si Cacao Processing Focal Person Gina Palencia, sa pakikipagtulungan sa De La Salle University – Institute of Biological Control (DLSU-IOBC) sa ilalim ng pamumuno ng direktor nitong si Dr. Divina M. Amalin, PhD.

    Isinagawa ang pagsasanay tungkol sa paggamit ng particle film technology, isang makabagong pamamaraan sa pagpuksa at pagkontrol sa mga peste na sumisira sa mga pananim na cacao.

    Naglagay rin ng mga pheromone trap upang masuri, at masolusyunan ang mga peste, partikular ang pinsalang dulot ng sweet potato weevil o bubok sa mga kamote.

    Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng dalawang kasalukuyang proyekto na pinopondohan ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).

    Naka-pokus ang mga ito sa pre-commercialization ng Philippine Natural Zeolite-based Particle Film laban sa mga peste ng cacao at ang Area-Wide Integrated Pest Management para sa kamote gamit ang mga likas na pamamaraan.

    Sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan ng mga academic institutions at ng lokal na pamahalaan, nananatiling committed ang APAO sa pagtataguyod ng mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka na nakabatay sa agham.

    Source: Albay PIO

    LEAVE A REPLY