Iriga: Aabot sa 200 estudyante sa Albay, nakiisa sa kampanya kontra pang-aabuso sa mga kababaihan, kabataan

    0
    11
    photo courtesy of Albay PIO

    Nakiisa ang aabot sa 200 estudyante sa Albay para labanan ang pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.

    Kasunod ito ng isinagawang oryentasyon ng pamahalaang lokal ng Albay sa pangunguna ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) and Provincial Committee on Anti-Trafficking in Persons and Violence Against Women and their Children (PCAT-VAWC).

    Ang naturang aktibidad ay may layuning maproteksyonan ang bawat kababahain, at kabataan sa iba’t ibang uri ng pananakit at pang-aabuso.

    Ayon kay Cris Jhon D. Molina, isang Grade 10 student ng Cabangan High School, kinakailangan pa aniyang mas palakasin pa ang mga programang may kaugnayan sa pagsugpo sa hindi kanais-nais na mga gawain.

    Dagdag pa nito, may mga paraan para maipahayag ng bawat indibidwal ang importansya nito.

    “As a student journalist po taking-up newswriting and broadcasting po, I am eager to show it through broadcasting, kasi it is one of may talent po at lahat ng natutunan ko po is’share ko through creative ways po,” saad ni Molina.

    Ang mga mag-aaral ay mula sa Cabangan High School at STI Legazpi.

    (Source: Albay PIO)

    Leave a Reply