35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: 41 Pumasa Sa Examinasyon Ng Certified Public Accountant (CPA), Ayon Sa PRC Bicol

- Advertisement -

Kinumpirma ni Regional Director Sharo Lo ng Professional Regulation Commission (PRC) Bicol na 41 ang pumasa sa Certified Public Accountant (CPA) sa Bicol Region.

Ayon kay Lo, mahigit sa 100 individual ang sumailalim sa examinasyon ng CPA sa lungsod ng Legazpi kung saan 41 rito ay nakapasa. Aniya, mas mataas ngayon ang nakuhang passing rate ng nasabing rehiyon sa nasabing examinasyon na umaabot sa 23% kumpara sa national ay nasa 15% lamang ito.

Ang examinasyon ng CPA ay dalawang beses lamang isinasagawa sa loob ng isang taon.

Dagdag pa nito nito, kahit nasa gitna ng pandemya or problema na kinakaharap ang mga mag-aaral o mga nagtapos sa pag-aaral ay nagagawa pa rin ng mga ito na maipasa ang kanilang examinasyon.

Dahil dito naging inspirasyon ngayon ng mga kabataan o mag-aaral na makapagtapos sa pag-aaral kahit may mga pagsubok na pinagdadaanan na pandemya.

Sinabi ng opisyal, hindi madali pumasa sa mga examinasyon ngunit kung ito ay nag-aral ng mabuti, mayroong tiwala sa sarili at pagdarasal ay tinitiyak nito ay makukuha nito ang pumasa sa anumang klaseng examinasyon.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -