Humigit kumulang tatlong (3) milyong piso ang halaga ng pinsala ng sunog sa Casiguran Central School sa lalawigan ng Sorsogon, ito ang pagtaya ni Ginoong Arnel Aycardo, principal.
Dalawang classroom ang nadamay sa sunog.
Sinabi ni Aycardo, pangalawang beses na itong nangyaring sunog. Kung saan dalawang (2) classroom building din ang nasunog.
Ayon sa kanya nagsimula ang sunog pasado alas 9:00 ng umaga, Biernes, ika-10 ng Hunyo 2022. Sinisabing nagsimula ang sunog sa nakasalang na rice cooker sa loob ng classroom.
Kung saan kasalukuyang nagkakaroon ng Municipal Camporal sa paaralan. Agad namang naapula ang sunog at idineklarang fire out ng BFP bandang 9:45 ng umaga.
Nadamay din sa sunog ang mga libro, school records at personal na gamit ng mga mag-aaral na kasali sa Municipal Camporal.
(Source: Bicol Express News)
