Nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas ang mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa Lupi, Camarines Sur sa ilalim ng Rice Distribution Program ng national government ngayong Oktubre.
Bahagi ang pamamahagi ng programang Bawat Bayan Makikinabang, na pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) sa ilalim ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layunin ng naturang programa na maihatid ang tulong sa mga mamamayan, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Inaasahang makatutulong ang ipinamahaging bigas upang mabawasan ang bahagi ng badyet ng mga benepisyaryo na inilalaan sa pagkain.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente sa natanggap na tulong, na maaari nilang magamit upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Photo courtesy: Lupi Councilor Marilyn Diamante
Source: PIA Bicol Region
