Iriga: 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐏𝐄𝐍 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐭𝐮𝐭𝐮𝐭𝐮𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐛𝐚𝐲 𝐏𝐇𝐎 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧

    0
    12
    photo credits to the owner

    Mas tututukan ng Albay Provincial Health Office (PHO) ngayong taon ang Philippine Package of Essential Noncommunicable Disease Interventions (PhilPEN) Risk Assessment upang mapabuti ang maagang pagtukoy at pagpigil sa mga noncommunicable disease sa buong lalawigan.

    Sa ginanap na meeting ukol sa lifestyle-related diseases (LRD) at risk factor (RF) kasama ang PHO, mga City Health Units (CHUs) at Rural Health Units (RHUs) representatives, napag-usapan ang mga hakbang upang mapalakas ang programa ng PhilPEN sa Albay.

    Ayon kay Hazel Lynn Bartolome, APHO Nurse III at LRD and RF Coordinator, layunin ng Albay PHO na makamit ang mas mataas na porsyento sa PhilPEN Risk Assessment program at maibigay ang pangangailangan ng mga LGU’s para sa maayos na pagpapatupad nito.

    “By 2025 sana makaabot sa 30%, i-strategize ta kung pano ta ini paalangkawon, iwork-out mi talaga ma-accomodate ang mga kaipuhan kan LGUs para sa implementation ng Mass PhilPEN,” ani ni Bartolome.

    Ang pagpapalakas ng programang ito ay magsisilibing gabay sa mga lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang pagtukoy at pagpigil sa mga lifestyle-related diseases at risk factors sa buong lalawigan.

    Ang PhilPEN Risk Assesment ay programang inilunsad ng Department of Health katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan sa pagsuri ng kondisyon para sa posibilidad na pagkakaroon ng isang sakit.

    (Source: Albay PIO Intern)

    Leave a Reply