Iriga: 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫, 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐲𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐨𝐩 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧, 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚; 𝐖𝐢𝐧𝐝 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐨. 𝟏, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝟏𝟗 𝐧𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚

0
1

Napanatili ni Gener ang taglay nitong lakas ng hangin habang binabaybay ang katubigang sakop ng Isabela.

Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin no. 6 ng PAGASA, namataan si Gener sa katubigang sakop ng Palanan, Isabela, at taglay pa rin nito ang hangin na umaabot sa 55 km/h.

Mayroon itong pagbugso na aabot sa 70 km/h, at central pressure na 996 hPa.

Patuloy pa rin itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Inaasahan itong maglandfall ngayong gabi o bukas ng madaling-araw.

Nakataas na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa 19 na mga probinsya sa Luzon kabilang ang Cagayan, Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, northern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Baliuag, San Rafael), northern portion of Pampanga (Porac, Angeles City, Magalang, Arayat, Mabalacat City, Floridablanca, Santa Rita, Guagua, Bacolor, City of San Fernando, Mexico, Santa Ana, Candaba, San Luis, San Simon, Santo Tomas, Apalit, Minalin), Aurora, at northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta, Real) pati na ang Polillo Islands.

Source: Albay PIO

 

Leave a Reply