Naniniwala si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na makaaapekto sa business sector ang ipinagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuwag nito sa mga oligarchs sa bansa sa kabila ng hindi pagdedeklara ng martial law.
Ayon kay Pangilinan, ang naturang pahayag ng pangulo ay posibleng magresulta ng pagkawala ng mga foreign investor sa bansa.
Aniya, gawa-gawa lang naman ng administrasyon ang problema sa mga oligarchs upang linlangin ang publiko sa palpak na pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
Giit pa nito, ang gutom at kawalan ng trabaho ng milyun-milyong mga Pilipino ang dapat na tutukan ng pamahalaan hindi ang mga itinuturing nitong mga oligarchs sa bansa.