Insidente sa Abatan, Buguias, Benguet sa pagguho ng lupa bahay nasira at may iniwan patay

0
11

Abatan, Buguias, Benguet – Nakilala na ang apat kataong namatay matapos matabunan ang bahay nila sa Lower Abatan, Buguias, Benguet mga bandang alas 5:00 ng madaling araw Hulyo a 26 ngayong taon.

Batay sa ulat ng Buguias Municipal Police Station, ang mga namatay ay sila Marjorie Tumpap, 30-taong gulang, Jasmine Tumpap Dulot, 12-taong gulang, Camille Tumpap Dulot, 5-taong gulang at Hosanna Tumpap, dalawang taong gulang.

Sa mga apat na mga ito ay natagpuan sa basement ng natabunan na bahay.

Sa isinagawang search and rescue operation, ang unang dinala sa Ospital ay ang mga nasugutan na sila Marlyn Dolorito Tumpap, 52-taong gulang; Julius Galang Tumpap, 61-taong gulang Ezekiel Tumpap Torio, 8-taong gulang, Milkezedick Tumpap Torio, 6-taong gulang at Janielle Tumpap Dulot.

Ang search and rescue operations ay isinagawa ng magkasanib na puersa ng Buguias Municipal Police Station, MDRRMO, BFP, 1st Benguet PMFC, PNP-SAF, Barangay LGU ng Abatan at ng iba pang volunteers. (Joel Cervantes, photo courtesy of BFP-Cordillera)

Leave a Reply