Insecurities ni Jessy Mendiola na-overcome na niya

0
19

Binasag na ng aktres na si Jessy Mendiola ang kaniyang pananahimik hinggil sa estado ng kaniyang mental health.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kaniyang kwento hinggil sa kaniyang pakikipaglaban sa self-doubt, insecurity at anxiety sa loob ng mahabang panahon.

Aniya, sa loob ng matagal na panahon, ngayon na lamang niya muling naramdaman na siya ay buo, dahil na rin sa mga komento at opinyon sa kanya ng ibang mga tao.

Aniya, lagi kasi niyang hinahangad na mapasaya ang ibang tao kaya’t nakalilimutan niya ang kaniyang sarili.

Kwento ni Jessy, natutunan niya kasi ngayon na iprayoridad naman ang kaniyang sariling kasiyahan, at mamuhay ng malaya mula sa opinyon ng iba.