Iminungkahi ng Philippine National Police kay Pangulong Rodrigo Duterte, na kanila munang susuriin ang huling inilabas drug list.
Ito ay matapos na makasama umano sa naturang listahan si P/Lt. Col. Jovie Espenido, na kilala bilang isa sa nagpapalakas ng kampanya kontra illegal na droga ng pamahalaan.
Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, oras na masuri na nila ang drug list ay magbibigay sila ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte at nasa kanya na kung ano ang magiging desisyon niya dito.
Nag-propose ako kay President to evaluate it, ‘allow me sir to evaluate in the PNP’ and after that we will submit the recommendation to you but of course it will be up for the President kung anong disposition niya sa recommendation namin,” ani Gamboa.
Samantala, kinumpirma rin ni Gamboa na inalis bilang deputy chief for operations ng Bacolod City si Pol/Lt. Jovie Espenido. —- panayam mula sa Ratsada Balita.