28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Ilang kongresista kinumpirmang inimbitahan sila ni Paolo Duterte sa dinner party sa Palasyo

- Advertisement -

Kinumpirma ng ilang kongresista na si presidential son at incoming Davao City Rep. Paolo Duterte ang nang-imbita sa kanila sa naging dinner sa Malacañang kamakailan.

Tinatayang nasa 130 kongresista mula sa PDP-Laban, NPC at ilang party-list group ang dumalo sa imbitasyon.

Sinabi ni Navotas Rep. elect John Rey Tiangco, ginawa ito para magkakilala ang mga dati at bagong kongresista bilang paghahanda sa pagbubukas ng 19th congress.

Dumalo ang pangulo kung saan nakikanta pa ito sa mga mambabatas.

Nabigo naman aniya ang marami nang gabing iyon dahil sa inaasahang iaanunsiyo ng pangulo ang ieendorso nito para maging house speaker.

Kabilang din sa dumalo sa dinner sina Pampanga rep. Aurelio Dong Gonzales at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kapwa maugong ang pangalan para maging susunod na lider ng mababang kapulungan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -