Saturday, May 4, 2024

Ilang kalahok sa SEA games nakaranas ng problema sa accomodation

- Advertisement -

Sinalubong ng samu’t-saring problema ang mga delegadong sasabak sa 30th Southeast Asian (SEA) games.

Ito ay matapos ulanin ng reklamo ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) mula sa mga football teams ng mga dayuhang bansa na kalahok sa 2019 SEA games.

Batay sa nag-viral na post ng ASEAN football news, nakasaad na dalawa’t kalahating oras na nag-intay ang mga miyembro ng Timor-leste football team para sa bus na susundo sa kanila kung saan nadala pa umano ang koponan sa maling hotel.

Kaugnay nito, parehong problema rin ang naranasan ng football team ng Myanmar na nag-reklamo dahil sa matagal nilang pag-iintay sa bus na susundo sakanila, dahilan ng pagkaudlot ng kanilang training.

Ayon naman sa Football Association ng Thailand, hindi natuloy ang kanilang training dahil sa bigat ng daloy ng trapiko, habang inireklamo rin ng mga ito ang kulang na suplay ng inuming tubig.

Sa isang press conference, sinabi ni Felix Dalmas, coach ng Cambodia football team, na ikinadismaya nila ang haba ng oras na kanilang ginugol sa airport para lamang masundo ng team bus, habang ikinuwento naman ni Atsuo Ogura, coach ng Thailand football team, na-dedelay rin ang kanilang training dahil sa sobrang bigat ng daloy ng trapiko mula sa kanilang tinutuluyang hotel papunta sa training ground.

It wasn’t ideal to wait for maybe eight or nine hours to get a hotel room, but things happen. We adjust and evolve and that is what our bodies are working so we’re good,” ani coach Felix Dalmas, Cambodia football team.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img